Sa kasalukuyan nasa 175 katao na ang namamatay kung saan 120 dito ay pawang mga terorista, 36 ay tropa ng gobyerno at nasa 19 ang mga sibilyan.
Pinangalan ng mga estudyante ang kanilang naturang relief effort ng “Tabang Sibilyan-Visayas na matatagpuan sa gusali ng Caritas na pagmamay-ari ng Archdiocese of Cebu.
Layon nilang ipakita na kahit magkakaiba ang paniniwala ay nakahanda pa rin ang mga ito na tumulong.
Nakipag-ugnayan na ang mga organizer nito sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para maipadala ang kanilang inipong mga relief goods sa Lanao Del Sur.