Bangsamoro Development Agency, magbibigay tulong sa mga biktima ng Marawi seige

Mamahagi ng relief goods ang Bangsamoro Development Agency sa mga residenteng apektado ng gulo sa Marawi City bunsod ng patuloy na bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Maute group.

Ayon kay Bangsamoro Transition Committee Chairman Ghazali Jaafar, bukod sa pamamahagi ng relief goods, pinagtutuunan din ng pansin ng kanilang hanay ang pag-rescue sa mga sibilyan na naipit sa bakbakan

Samantala, sinabi naman ni Irene Santiago, Chairperson for the Bangsamoro Peace Process na nakalatag na ang peace corridor.

Nakabuo na aniya ng composite team ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) na magbabantay sa peace corridor.

Mayroon na aniyang joint coordinating, monitoring at assistance center sa Malabang at Marawi at may mobile center na malayang makabibiyahe sa corridor.

Sinabi pa ni Santiago na mayroong tatlong daang train members ang ipakakalat sa corridor para masigurong magiging ligtas ang dadaanan ng relief goods at mga sibilyan na lumilikas mula sa Marawi City.

Read more...