Ayon sa mga saksi, nasa tatlong pagsabog ang naganap sa burial site ni Salim Ezadyar, na isa sa apat na namatay noong Biyernes sa kasagsagan ng protesta doon.
Ayon kay Health Ministry Spokesman Waheed Majroh na aabot sa 87 kataong suagatan ang dinala sa mga ospital sa Kabul.
Dinaluhan ang libing ni Ezaydar na anak ng isang senador sa Afghansitan na si Alam Ezaydar, ng ilang senior government kabilang na si Chief Executive Abdullah Abdullah.
Sa kasalukuyan wala pang umaako sa naging pag-atake.
MOST READ
LATEST STORIES