Dating PBA star na si Paul “Bong” Alvarez, arestado sa drug session

FB photo

Arestado sa drug session ang dating PBA star na si Paul “Bong” Alvarez sa Quezon City.

Kasama ni Alvarez sa drug sesssiona ng dalawa pang katao sa isang barber shop sa Sikatuna village.

Ayon kay Quezon City Police District chief Senior Superintendent Guillermo Eleazar na magsisilbi ng arrest warrant ang mga pulis kay Alvarez para sa kasong slight physical injury.

Kaugnay nito, inamin naman ni Alvarez na siya ay nasa drug session ng dumating ang mga pulis.

Narekober ang mga ilang mga drug paraphernalia sa lugar.

Read more...