Ayon kay AFP spokesman Brigadier General Restituto Padilla, wala ni katiting ng bakas ng terorismo ang nangyari sa Resorts World.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Philippine National Police, isang lalaki na may dalang baby armalite at gasolina ang pumasok sa Resorts World.
Pagpasok sa hotel, kinuha ang casino chips na nagkakahalaga ng 113 milyong piso at nang tugisin ng mga pulis ay pumasok sa room 510, binalot ang sarili ng kumot, binuhusan ng gasoline, sinilaban at nagbaril sa sarili.
Ayon kay Padilla, isang criminal act lamang ang nangyari sa Resorts World na kinakailangan ng malalimang imbestigasyon.
Sinabi pa ni Padilla na gaya ng mga nakaraan, walang ibang ginawa ang ISIS na agad na umako ng responsibildiad sa mga kaguluhan para maisulong lamang ang kanilang sariling propaganda.