Metro Manila inilagay sa heightened alert

Inquirer photo

Nagpakalat ng dagdag na mga tauhan ang National Capital Region Joint Task Force ng Armed Forces of the Philippines sa Metro Manila.

Ito ay bilang ayuda ng militar sa puwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ayon kay NCRPO Director Oscar Albayalde, ipinakalat ang augmentation force matapos ang pumutok ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Maute group sa Marawi City at ang naganap na insidente sa Resorts World Manila kahapon.

Ayon kay Albayalde, pinaigting na rin nila ang Oplan Sita at pagbabantay sa mga vital installation sa buong Metro Manila.

Iginiit pa ni Albayalde na nakalatag na rin ang target hardening measures para masiguro ang kaligtasan ng publiko.
Umapela rin ng pang-unawa sa publiko ang opisyal dahil sa mga dagdag na checkpoints. / Chona

 

Read more...