Hindi susundin ng ibang mga US States ang desisyon ni President Donald Trump na kumalas sa Paris Climate Pact.
Ayon kay U.S Envoy for climate change at kilalang philanthropist na si Michael Bloomberg, nagkaisa ang mga state governors, city mayors at malalaking kumpanya na suportahan ang kasunduan sa kabila ng desisyon ni Trump.
Nangako din si Bloomberg na maglalaan siya ng $15 Million para suportahan ang kampanya laban sa greenhouse gas emission.
Inihahanda na rin ng mga ito ang isang “statement of support,” na isusumite nila sa United Nations.
Base sa ulat, aabot sa 30 mayors, 3 governors at mahigit 89 university presidents at 100 negosyo ang nagpahayag ng suporta sa grupo ni Bloomberg.
Ang Paris Climate accord ay naglalayong bawasan ang gas emissions na malaki ang kontribusyon sa global warming ng hanggang 26% sa loob ng 20 taon o pagsapit ng taong 2015.
Ang Estados Unidos ay pumapangalawa sa mga bansa sa daigdig bilang “greenhouse gas emitter” kasunod lamang ang China.