U.S bukas sa alyansa sa China kontra sa North Korea

AP

Sinabi ni U.S Defense Sec. James Mattis na kaisa sila sa China sa pagtuligsa nito sa ginagawang panggugulo ng North Korea pero dapat rin umanong tumigil ang China sa pananakop ng mga isla sa South China Sea.

Sa kanyang pagdalo sa isang security forum sa Singapore, sinabi ni Mattis na sinisikap nilang makipag-usap sa China sa isyu ng paghahasik ng kaguluhan ng North Korea pero kinakailangan din nilang balansehin ang kanilang mga kilos dahil mali rin naman ang pananakop ng ilang teritoryo na ginagawa ng Chinese government sa ilang lugar sa Asya-Pasipiko.

Aminado ang U.S Defense Chief na inutusan siya ni Pangulong Donald Trump na makipag-ugnayan kay Chinese President Xi Jinping para sa dagdag na suporta sa panawagan ng U.S pagkakaisa ng mga bansa sa Asia-Pacific kontra sa North Korea.

May kaugnyan pa rin ito sa patuloy na nuclear programme ng Pyongyang sa rehiyon na itinuturing ng U.S bilang “clear and present danger”.

Naniniwala rin ang opisyal na kailangan ang diplomatic at economic pressure para mapilitan ang North Korea na abandonahin ang kanilang nuclear test sa rehiyon.

Samantala, sinabi naman ni Mattis na mananatiling matatag ang posisyon ng U.S na dapat ring itigil ng China ang reclamation ng mga man-made islands sa South China Sea.

Sinabi ng opisyal na makaka-apekto ito sa daloy ng ekonomiya sa South East Asia kung daan ay umaabot sa halos ay $5 Trillion na halaga ng mga kalakal ang dumadaan sa South China Sea kada taon.

Umapela rin si Mattis sa China na panatilihing ang malayang daloy ng mga kalakal sa nasabing lugar.

Read more...