Security officer ng mga hotel at resorts sa Metro Manila, ipatatawag ng NCRPO

Kuha ni Chona Yu

Inatasan na ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald Dela Rosa si National Capital Region Police Office (NCPOR) Director Oscar Albayalde na pulingin ang mga security officers sa lahat ng hotel sa Metro Manila.

Kasunod na rin ito ng naganap sa Resorts World Manila kung saan isang lalaki ang pumasok na may dalang baril at nagsnog sa loob ng hotel na ikinasawi ng 38 katao kasama na ang suspek.

“Actually, we were directed by the Chief PNP to coordinate with all the security officers of all the resorts and hotels in Metro Manila, and we’re going to do that,” ani Albayalde.

Ayon kay Albayalde, agad na makikipag-ugnayan ang kanilang hanay sa mga security officers sa lahat ng resorts at hotel sa Metro Manila para masigurong hindi na mauulit ang insidente sa Resorts World.

Una rito sinabi ni Albayalde na sinusuri na ng kanilang hanay kung may kapalpakan ang ipinatutupad na seguridad sa Resorts World matapos makapasok ang suspek na may dalang baril at gasolina.

Read more...