Pamahalaan, hindi magpapatinag sa laban kontra terorismo – Duterte

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na mananalo ang gobyerno laban sa extremism.

Sa talumpati ng Pangulo sa 102 Infantry Brigade sa Ipil, Zamboanga Sibugay, inamin nito na kapag giyera, tiyak na may malalagasang buhay.

“Dito naman sa extremism, mananalo tayo. But we will have losses, ganon lang talaga ang buhay. That is how life is governed in this universe. You would never know when,” pahayag ng Pangulo.

Imposible aniya na matalo ang gobyerno sa extremism.

“Pero sabihin mo matalo tayo, imposible ‘yan. It will just take a longer period kasi alam mo kung tayo, we are concerned of civilians kagaya sa kanila na p***, matamaan mo diyan, ke ma-civilian, okay ‘yung kalaban mo, okay lang,” dagdag ng Pangulo.

Para masiguro na mananalo ang gobyerno, sinabi ng Pangulo na sa ilalim ng kanyang administrasyon, hindi na siya tatanggap ng mga segunda manong armas, barko at iba pang military assets mula sa Amerika.

“During my time, wala na akong secondhand mga barko, barko. It has to be brand new. Hindi na ako tatanggap ng mga equipments ng military na secondhand. Iyong ibinibigay ng Amerikano, ayaw ko na ‘yan. Even I have to spend double the money,” ani Pangulo.

Bagama’t magiging puspusan ang paglaban ng gobyerno sa extremism, tinyak ng Pangulo na magiging disiplano pa rin ang militar.

“We are a civilized nation and we have a military well-disciplined and we also value human life even if we have to destroy sometime but alam natin na siyempre, lalo na ang kalaban natin Pilipino rin. Sometimes, you are in a quandary,” pagtatapos ng Pangulo.

Read more...