Duterte, pumunta sa lamay ng nasawing sundalo sa Marawi

Palace photo

ngulong Rodrigo Duterte sa burol ng isa sa mga sundalong nasawi sa airstrike sa Marawi City.

Nakalagak sa kanilang tahanan ang mga labi ni Corporal Nilo Donato Jr. sa Zamboanga Sibugay, at pinuntahan ito ng pangulo.

Bago pumunta doon ay unang nagtungo muna ang pangulo sa headquarters ng 102nd Infantry Brigade.

Ginawaran ng pangulo ng posthumous medal si Donato.

Si Donato ay isa sa sampung sundalong aksidenteng tinamaan ng airstrike ng kanilang mga kapwa sundalo.

Unang sinabi ng mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines na 11 ang nasawi ngunit nilinaw ni spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla na nagkamali lamang siya noon sa bilang.

Read more...