Pagpatay sa 8 matandang pasyente, inamin ng nurse sa Canada

Naghain ng guilty plea ang isang nurse sa Canada pagpatay niya sa walong matatandang pasyente sa isang elderly care facility na kaniyang pinapasukan.

Naakusahan si Elizabeth Wettlaufer ng pagpatay sa limang matatandang babae at tatlong matatandang lalaki sa mga Woodstock at London sa Ontario mula 2007 hanggang 2014.

Inamin ni Wettlaufer sa korte na nag-inject siya ng insulin sa mga pasyente nang walang kadahilanang pang-medikal, na siyang ikinasawi ng mga ito.

Sa ngayon ay hindi pa malinaw kung ano ang motibo niya sa kaniyang ginawa.

Nag-plead siya ng guilty sa walong counts ng first-degree murder, apat na counts ng attempted murder at dalawang counts ng aggravated assault.

Read more...