Mga senador, pinakakalma ang publiko sa kabila nang insidente sa Resorts World

Umapela si Senador Risa Hontiveros sa sambayanang Pilipino na huwag magpatakot sa kabila nang kaganapan sa Resorts World Manila kaninang hatinggabi.

Ito ang reaksyon ni Sen. Risa Hontiveros matapos na magulantang sa insidente sa nabanggit na establisiyemento na ikinamatay nang umabot na 38 katao at ikinasugat ng 70 na iba pa.

Apela pa ng senadora sa publiko, lakasan ang loob at huwag hayaan na makaapekto sa kapayapaan sa bansa ang naganap na insidente.

Samantala, pinakakalma naman ni Sen. Richard Gordon ang publiko sa kabila nang pangyayari.

Ayon kay Gordon, kontrolado naman ng pamahalaan ang sitwasyon kaya walang dapat ikabahala.

Read more...