Ayon kay Sen Legarda, ipinapakita rin nito na hindi maganda ang foreign policy ng Trump administration.
Paliwanag ni Legarda, bagamat nakaka-lungkot aniya ang pasya ni President Trump, hindi naman umano dapat mawalan ng pag-asa dahil pwede pa rin na ipatupad mismo ng mga US City at State Leaders ang Paris Agreement.
Kumpyansa si Legarda na desidido ang mga Amerikano na gawin ang kanilang parte upang labanan ang negatibong epekto ng climate change na dulot ng matinding usok.
Sa ngayon aniya ay nasa kamay na ng publiko at private sector ng Amerika ang pagtalima upang bawasan ang usok na binubuga ng mga industriya at sasakyan na pangunahing sanhi ng climate crisis.
Ang Paris Agreement ay isang kasunduan ng mga bansa para magpatupad ng batas o alituntunin laban sa matinding pagbubuga ng carbon.
Umaasa ang senador na wala nang ibang aatras sa Paris Agreement lalo’t nauunawaan nilang ilalagay sa alanganin ang mamamayan kung hindi aaksyon laban sa negatibong epekto ng climate change.