Ayon kay Mayor Antonio ‘Tony’ Calixto, makikipag-tulungan sila sa Philippine National Police, Bureau of Fire Protection at mga otoridad kaugnay ng naturang trahedya.
Hinimok rin ni Calixto ang publiko na dumulog sa mga otoridad kung may impormasyon na makatutulong sa imbestigasyon.
Nag-alay naman ng dasal at pakikiramay ang Pasay City para sa pamilya ng mga nasawi sa malagim na trahedya.
Tiniyak ni Mayor Calixto na ginagawa nila ang lahat upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod.
MOST READ
LATEST STORIES