Resorts World Manila, sasagutin ang gastusin ng mga nasugatan sa pag-atake

Sasagutin ng pamunuan ng Resorts World Manila ang gastusin sa ospital ng mga nasugatan sa pag-atake sa naturang hotel-casino.

Ayon kay Jun Mangosin, Casino Supervisor na nasugatan rin sa insidente, dumating na sa San Juan de Dios Hospital ang representative ng kanilang Human Resource Department kanina.

Tiniyak umano ng kanilang management na babayaran ang kanilang hospital bill pati na ang mga ireresetang gamot.

Pinapirma lamang umano si Mangosin ng promissory note, pero ang pamunuan ng Resorts World ang magbabayad nito.

Babayaran rin umano ng Resorts World ang hospital bill ng mga casino players na nasugatan sa insidente.

Sa ngayon, apat na lang na pasyente mula sa Resorts World incident ang nananatili dito sa San Juan De Dios at nakatakdang sumailalim sa operasyon.

Read more...