Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, sinasamantala ng ilang personalidad ang oportunidad sa Resorts World Manila para maisulong ang kani-kanilang sariling posisyon.
Una rito, sinabi ni Trump na mahigpit niyang binabantayan ang insidente sa Resorts World at nakalulungkot kung paano sinisira ng terorismo ang mundo.
Ayon kay Abella, malinaw na walang koneksyon sa terorismo ang insidente sa Resorts World Manila.
” People who are interested in propagating their own position will take advantage of any opportunity to do so. However as has been proven, this particular situation in Manila is not in any way directly linked to terrorist attack.” Abella
Dapat aniya na i-approach ang naturang insidente sa mahinahon na pamamaraan.
So, we have to approach this thing in a very sober manner, and well… regarding the tweets coming from abroad, I think we should listen to our own people first.” Abella
Sa halip aniya na makinig sa mga taong nasa abroad, hinimok ni Abella ang publiko na makinig muna sa mga awtoridad sa Pilipinas lalo na ang mga nagsasagawa ng imbestigasyon.