4 katao na kumukuha ng NBI Clearance, pinigil ng NBI sa Tagaytay

(UPDATED) Apat katao ang pinigil habang kumukuha ng NBI Clearance sa Tagaytay kasunod ng mga kaniha-hinalang mga dokumentong hawak ng mga ito kaninang umaga.

Nakipag-ugnayan ang NBI Tagaytay sa Tagaytay City Police kaugnay ng insidente dahil hindi tumutugma ang mga impormasyon ng mga ito sa kanilang mga dokumento.

Ayon kay Supt. Sancho O. Celedio, Officer ng Tagaytay City Police, ang apat ay mga Tausug.

Kumukuha ang mg ito ng NBI Clearance na isang requirement sa kanilang pinagpasahan na agency.

Sa apat, isa lamang sa kanila ang marunong mag-Tagalog

Sumasailim ang mga ito sa verification process at napag-alaman na tumutuloy ang mga ito sa Gen. Trias, Cavite.

Dagdag pa ni Celedio, walang rason para patuloy na pigilin ang mga ito dahil wala namang krimen na ginawa ang mga ito.

Kalaunan ayon kay Celedio ay pinalaya din ang mga ito kinahapunan pero maaring makasuhan ng NBI dahil sa mga hinihinalang mga pekeng doumento.

Read more...