Malakanyang, nakiramay sa pamilya ng mga namatay sa Resorts World

Kuha ni Erwin Aguilon

Nagpaabot ng pakikidalamhati ang Palasyo ng Malakanyang sa mga mga kaanak at kaibigan ng mga nasawi sa Resorts World Manila.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang insidente sa Resorts World Manila ay isang paalala na walang puwang sa sibilisadong sosyodad ang karahasan.

Ito aniya ang dahilan kung kaya naging sentro sa programa ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglaban sa kriminalidad.

Tiniyak pa ni Abella na ang kaligtasan ng publiko at ng komunidad ang pangunahing isinasaalang alang ng Administrasyong Duterte.

Kasabay nito, umapela si Abella sa publiko na makipag tulungan sa mga kinauukulan para makamit ang fear-free environment.

Read more...