Nagpatupad ng precuationary mesaure ang Presidential Security Group (PSG) sa loob at labas ng Palasyo ng Malakanyang.
Ayon kay PSG Spokesman Colonel Michael Aquino, nasa normal na status lamang at hindi red alert status ang kanilang pwersa.
Gayunman, aminado si Aquino na bahagyang naghigpit ang kanilang hanay at sa Arlegui St. pa lamang ay hindi na pinapapasok ang mga sasakyan kahit na may carpass.
Ang mga indibidwal na papasok ng Malakanyang ay kinakapkapan, sinusuri at hinahanapan ng identification card.
Gayunman sa Gate 2 ng Palasyo sa may bahagi ng ng Solano St. ay bukas naman para sa mga sasakyan.
Peor kahit may carpass ay hindi pinapayagan na makaparada ang mga sasakyan kundi drop off lamang.
Nilinaw naman ni Aquino na wala silang nakikitang banta sa seguridad sa Malakanyang pero mas mabuti na aniya ang magpaka praning kaysa naman sa malusutan.
Kung may isang lugar aniya na kinakailangan na pinakaligtas ito ay ang Palasyo ng Malakanyang.
Sa kabila ng paghihigpit ay sinabi ni Aquino na normal naman ang operasyon ng mga tanggapan sa Palasyo. Business as usual aniya ang lahat ng transaksyon.