Suspek sa pag-atake sa Resorts World, patay na

REM ZAMORA/INQUIRER

Patay na ang suspek sa pag-atake sa Resorts World Manila sa Pasay City kagabi.

Kinumpirma ito mismo ni Philippine National Police (PNP) Chief Director Gen. Ronald dela Rosa.

Napatay umano ang suspek sa ika-limang palapag ng gusali.

Ayon kay Dela Rosa, ni-ransack ng suspek ang storage room ng mga casino chips at kinuha ang nasa P130 milyong halaga ng mga chips.

Samantala, dagdag pa ni Dela Rosa, nag-iisa lamang ang suspek sa kaniyang pag-atake.

Una nang sinabi ni Dela Rosa na pagnanakaw at hindi terorismo ang motibo ng suspek.

Wala naman kasi aniya itong binaril o sinaktan na tao tulad ng ginagawa ng mga terorista.

Read more...