Pagnanakaw, hindi terorismo ang posibleng ugat ng pag-atake sa Resorts World – PNP

Kuha ni Jong Manlapaz

Pagnanakaw at hindi terorismo ang tinitingnan pa lamang na anggulo ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng pag-atakeng naganap sa Resorts World Manila sa Pasay City.

Ayon kay PNP Chief Ronald dela Rosa, sa ngayon ay mayroon nang isang kumpirmado at natukoy na suspek sa pag-atake.

Aniya, may malaking bulas ang suspek, foreign-looking at may dalang malaking armas.

Una aniya nitong pinaputukan ang L-C-D screen sa casino at hindi naman ang mga players.

Pagkatapos nito ay doon na sinimulan ng suspek na silaban ang mga mesa sa casino at nakawin ang mga chips na kalaunan ay narekober din ng mga otoridad.

Giit ni Dela Rosa, wala pa silang nakikitang indikasyon na isa itong terror attack, sa kabila ng pag-ako ng ISIS sa pag-atake.

Dagdag pa niya, kung ISIS ang may gawa nito ay dapat sinaktan na ang mga tao o kaya ay nagpasabog na ng bomba ngunit wala naman itong direktang sinaktan.

Read more...