10 sundalo, patay sa military air strike sa Marawi City

Malungkot na ibinalita ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na sampung sundalo ang nalagas sa hanay ng gobyerno dahil sa air strike na inilunsad sa Marawi City.

Ayon kay Sec. Lorenzana, aabot sa sampung sundalo ang namatay sa air strike sa naturang lungsod kahapon.

Posible aniya na nagkaroon ng hindi maayos na koordinasyon sa paglulunsad ng air strike kung kaya, mismong ang tropa ng pamahalaan ang natamaan nito.

Bukod sa sampung nasawi, umabot naman sa walong iba pang sundalo ang nasugatan sa insidente.

“Yesterday we had a tragedy also that involves our troops. A group of our military, army men were hit by our own airstrike
We lost 10 killed and 8 wounded. Its sad but sometimes that happens, sometines in the tug of war. Maybe the coordination was not properly done so we hit our own people,” ani Lorenzana.

Isinagawa ang air strike sa Marawi bilang bahagi ng clearing operations ng militar sa nagpapatuloy na bakbakan sa pagitan ng puwersa ng gobyerno at Maute terror group.

Ngayon aniya ay pinag-aaralan na ang procedure na isinagawa para hindi na maulit ang kaparehong pangyayari.

Read more...