Nabulabog ang mga residente matapos mahuli ang isang ahas sa isang bahay sa Brgy. 603, Zone 60, sa V. Mapa, Sta. Mesa, Maynila.
Ayon kay Kagawad Romy Pingad, sa garahe ng isang residente nakita ang ahas na may tatlong talampakan ang haba.
Ayon sa may-ari ng bahay na ayaw nang magpakilala, akala nila ay lubid lamang ang ahas na nakapulupot sa kanilang garahe.
Nang kanilang lapitan, bigla lamang itong gumalaw dahilan para mataranta sila at agad na tumawag sa barangay.
Ayon kay Pingad, marami ang nag-aalaga ng ahas sa kanilang lugar, at posibleng nakawala lamang ito.
Noong Lunes, sinasabing isang limang talampakang ahas rin ang nahuli sa naturang barangay.
Nakatakda namang i-turnover sa Department of Environment and Natural Resources ang kustodiya ng nahuling ahas.