Sa talumpati sa 119th founding anniversary ng Philippine Navy, sinabi ni Duterte na umaasa siyang magiging aral para sa mga militanteng Islamists ang pagpatay sa mga miyembro ng Abu Sayyaf fighters na sumalakay at nagplano na maghasik ng karahasan sa Bohol.
Matatandaang noong April 10, nagkaroon ng plano ang ilang Abu Sayyaf members na pangingidnap at paghahasik ng terorismo sa Bohol, pero napigilan ito ng militar matapos mahuli ang mga bandido.
Nababahala si Pangulong Duterte na maaaring umabot sa Visayas ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng gobyerno at Maute terror group na nagaganap sa Marawi.
Handa aniya siyang suspindehin ang writ of habeas corpus sa Visayas bilang bahagi ng precautionary measures.
Sa pinakahuling bilang ng Armed Forces of the Philippines, pumalo na sa 129 ang death toll sa patuloy na bakbakan sa Marawi City.
Sa naturang bilang, 69 na ang nasawi mula sa hanay ng Maute terror group.