Ito ang sinabi ni Brig. General restituto Padilla, tagapagsalita ng AFP kaugnay sa pag-asang mapapalaya sa kamay ng Maute group ang mga bihag sa pangunguna ni Fr. Teresito Chito Suganob, ang vicar general ng Marawi City.
Ayon kay Padilla, gumagawa na ng mga kaukulang hakbang ang pamahalaan upang ligtas na mapalaya ang pari at ang tinatayang nasa 200 pang mga sibilyang hawak ng grupo.
Gayunman, nilinaw ni Padilla na hindi ito nangangahulugang nakikipag-negosasyon na sila sa mga terorista.
Tanging ang ginagawa lamang nila aniya ay ang pakikipag-ugnayan sa mga civil organizations na ang layunin ay ang makapagligtas ng mga sibilyan.
Samantala, magkahalong saya at lungkot naman ang naramdaman ng mga kaanak ni Fr. Suganob nang makita ang video clip na kinabibilangan ng pari.
Umaasa ang mga ito na agarang mapapalaya si Suganob at ang iba pang bihag ng Maute group.