Nababahala ang International Committee of Red Cross sa humanitarian issues na gitna ng patuloy na bakbakan sa pagitan ng pwersa ng gobyerno ng Maute terror group sa Marawi City.
Ayon sa ICRC, nakatatanggap sila ng mga ulat na ilang mga inosenteng sibilyan ang pinaslang at dinakip sa gitna ng giyera.
Maliban dito, inulat ng ICRC na may mga residente pa rin ang nanatili sa loob ng Marawi City dahil sa kawalan ng masasakyan palabas sa lungsod.
Kulang o wala nang suplay ng pagkain at tubig na maiinom ang mga ito.
Samantala, dalawang palikuran lamang ang nagagamit ng isang libong evacuees, batay sa ulat ng ICRC.
Tiniyak naman ng ICRC na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Philippine Red Cross para mas mapabilis ang relief operations sa mga biktima ng kaguluhan.
Ilan sa mga naipamahagi na ng ICRC ay pagkain, maiinom na tubig at pangunahinh pangangailangang pangkalusugan.