Death toll sa Marawi siege umakyat na sa 129

Inquirer photo

Pumalo sa 129 ang bilang ng mga nasawi sa patuloy na bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Maute terror group sa Marawi City.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines Spokesman B/Gen. Restituto Padilla, sa naturang bilang 69 na ang nasawi mula sa hanay ng teroristang grupo.

Umaabot naman sa 21 ang nasawi mula sa tropa ng pamahalaan at 72 ang nasugatan.

Nananatili naman sa labing siyam ang bilang ng mga sibilyan na nasawi matapos maipit sa bakbakan.

Sa kasalukuyan ay binaberipika pa rin ng mga otoridad ang ulat kaugnay sa sinasabing mahigit sa 200 kataong bihag ng Maute group.

Sa isang video ay magugunitang sinabi ni Father Chito Suganob na bukod sa kanya ay umaabot sa 200 ang kasalukuyang hostage ngayon ng mga terorista.

Umapela rin kay Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing pari na itigil muna ang lahat ng mga military operations sa Marawi City at Lanao del Sur para na rin sa kanilang kaligtasan.

Read more...