Isang malaking transport group may tigil-pasada sa Biyernes

Magsasagawa ng transport holiday sa darating na Biyernes ang malaking transport group na nakabase sa lahat ng SM malls sa Metro Manila.

Ayon kay Mar Valbuena, pangulo ng SM malls Integrated Transport Terminals Federation, ang gagawin nilang tigil pasada ay bunga nang panggigipit sa kanila ng Supermalls Transport Services INC. kasama na ang pagtaas ng 100 porsiyento sa upa sa kanilang mga puwesto sa mga SM malls sa kabila ng kawalan ng kontrata at pagkuha ng ibang transport groups na katulad ng kanilang mga ruta.

Sinabi pa ni Valbuena na sa gagawin nilang hakbang tiyak na maapektuhan ang kalahating milyon nilang mga pasahero.

Paglilinaw naman nito na sa umaga ay bibiyahe pa sila para maghatid ng mga papasok na pasahero bago sila titigil na sa pagpasada at muli na lang sila papasada sa gabi para ihatid pauwi ang kanilang mga pasahero.

Nabatid din na patuloy silang magsasagawa ng transport holiday hanggang hindi nila direktang nakakausap ang SM prime holdings na kanila naman nakakausap bago pumasok sa eksena ang STSI.

Read more...