3 persons of interest sa Quiapo blast, hawak na ng MPD

Nasa kustodiya na ng pulisya ang tatlong persons of interest sa dalawang pagpapasabog sa Quiapo, Manila noong May 6.

Ayon sa ulat, ang tatlong persons of interest ay kinuha sa Subic, Zambales at dinala sa Manila Police District.

Sinabi ng pulisya na ang tatlo ay nakita bago at sa gitna ng magkasunod na pagpapasabog na ikinamatay ng dalawang katao at ikinasugat ng anim na iba pa.

Ang unang pagsabog ay dahil sa bomba na nasa isang package na dineliver ng isang Grab express rider para kay Shiite Muslim Cleric at Bureau of Internal Revenue official Nasser Abinal.

Nasawi ang Grab express rider at ang tumanggap ng package para kay Abinal.

Sa sumunod na pagsabog ay nasugatan naman ang dalawang pulis na iniimbestigahan ang lugar.

Una nang sinabi ni Philippine National Police chief Gen. Ronald Dela Rosa na tinitingnan nila ang personal na galit bilang motibo sa twin blasts.

Read more...