Strategic Communications Office ng PCOO, binuwag ni Andanar

Binuwag ni Communications Secretary Martin Andanar ang isang unit na nasa ilalim ng kanyang tanggapan.

Sa order na kanyang pinirmahan na may petsang May 30,  inabolish ni Andanar ang Strategic Communications Office na dating Presidential Communications Development and Strategic Planning Office na nasa ilalim ng Presidential Communications Operations Office.

Walang nakasaad sa kautusan na partikular na dahilan ng pagtanggal sa naturang unit.

Pero sinabi ni Andanar na sa interes ng serbisyo ang agarang pagbuwag sa Strategic Communications Office.

Ang dalawampu sa apatnapung tauhan ng SCO ay inilipat sa dalawang iba pang unit sa ilalim ng PCOO.

Ang dalawampung iba pa ay “deemed resigned” o expired na ang kontrata ng kanilang serbisyo.

Read more...