Olympian na si Ian Lariba, na-diagnose ng leukemia

Inquirer file photo

Na-diagnose ng sakit na acute myeloid leukemia ang Rio de Janeiro Olympian na si Ian Lariba.

Inanunsyo ng De La Salle University Office of Sports Development ang tungkol sa sakit ni Lariba, matapos ang mga panawagan ng blood donation para sa manlalaro sa social media nitong mga nagdaang araw.

Kilalang manlalaro si Lariba sa UAAP table tennis, na nagtapos sa kaniyang collegiate career nang walang talo, at isa sa mga tumanggap ng UAAP Season 78 Athlete of the Year.

Si Lariba din ay nakilala bilang unang Pilipinong table tennis player na nakapasok sa Olympics matapos magwagi sa Asian Olympic Games Qualification Tournament noong nakaraang taon.

Nangangailangan siya ng Type O na dugo na maaring i-donate sa blood bank ng St. Luke’s Medical Center sa Quezon City.

Para naman sa mga tulong pinansyal, maaring magpadala sa account ni Mrs. Imelda Lariba sa pamamagitan ng savings accounts na BDO 870-007-459 at UCPB 104-120-046-272.

Read more...