Bagaman low-profile, malaki ang ginagampanang tungkulin ni Dubke bilang isang communications director dahil siya ang nagdidikta ng kung anong pahayag ang ilalabas nila sa media.
Matagal na ring naging usap-usapan ang balak ni US President Donald Trump na sibakin ang lahat sa kaniyang public relations staff.
Matatandaang sa nagdaang halos mag-iisang taong pamamahala ni Trump, maraming kontrobersya agad ang bumalot sa kaniya.
Ilang beses na ring nagalit si Trump dahil sa hindi magagandang headlines na lumalabas tungkol sa kaniya, kaya inaway na rin niya ang ilang reporters dahil sa aniya’y “fake news.”
Dahil sa pagbibitiw ni Dubke, tila nasa alanganin na rin ang hinaharap para kay press secretary Sean Spicer at sa kaniyang mga tauhan.
Wala namang naibigay na detalye tungkol sa petsa ng pag-alis ni Dubke, pero nasa dalawang linggo na umano itong pinaplano.