2 pang dating heneral, itinalaga sa MMDA

 

Nagpasok ng dalawa pang kapwa niya retiradong heneral si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Danilo Lim sa ahensya, upang matulungan siyang magpatupad ng disiplina sa mga lansangan.

Ayon kay Lim, ang pagtatalaga kina retired generals Joe Campo at Robrerto Almadin ay makakatulong sa marching order ng pangulo na ayusin ang problema sa trapiko at katiwalian sa ahensya.

Ani Lim, may matitinong records sina Campo at Almadin, at hindi matatawaran ang kanilang serbisyong naibigay sa gobyerno, kaya alam niyang magagaling ang mga ito.

Itinalaga ni Lim si Campo bilang deputy sa office of the assistant general manager for planning, habang si Almadin naman ay bilang officer in charge for operations, traffic, flood control and solid waste management.

Si Almadin ay maninilbihan sa ilalim ni assistant general manager for operations Julia Nebrija.

Bukod naman sa dalawa, may apat pang itinalaga si Lim na pawang mga pinagkakatiwalaan niyang tauhan, sa iba’t ibang posisyon sa MMDA.

Si Jose Arturo Garcia ay itinalaga bilang bagong OIC ng office of the general manager for planning at chief of staff ni Lim; si Michael Salalima naman ay bilang deputy chief of staff at tagapagsalita; si Atty. Romando Artes naman bilang OIC ng office of the assistant general manager for finance and administration, at Atty. Vic Pablo Trinidad bilang OIC naman ng legal services.

Read more...