Ayon sa program manager ng Kilos Action Agad Center na si Archie Robrert Alarcon, namataya ng mga biktima matapos matabunan ng lupa ang kanilang bahay sa Barangay Liwanag.
Nasawi agad ang mag-iinang sina Marites Vidor, Ashley, isang taong gulang, at Asmir, dalawang taong gulang.
Nahugot pa ng mga rescuers ang asawa ni Vidor na si Allan, ngunit nasawi rin habang nilalapatan ng lunas.
Ayon pa kay Alarcon, isa pang bata sa kapitbahay ang nasawi na kinilalang si Aiah Rabon, isang taong gulang.
Ire-relocate naman na aniya ang 25 pamilyang naapektuhan ng landslide sa naturang lugar.
MOST READ
LATEST STORIES