Biglaang pagtaas ng presyo ng bawang, nais silipin sa Senado

Duda si Senadora Cynthia Villar sa sobrang taas ng presyo ng bawang sa merkado kung kayat nais nitong busisiin ito sa Senado.

Naniniwala si Sen. Villar na may nagaganap na cartel sa likod ng pagtaas ng presyo ng bawang sa mga pamilihan.

Ayon pa kay Villar, chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food na ang tumataas na halaga ng bawang ay katulad ng pangyayari noong 2014 kung saan ang presyo nito ay tumaas ng mahigit P300 kada kilo kung kaya pinaimbestigahan nya ito noon sa senado

Aminado si Villar na inakala nito na nabigyan na ng leksyon ang mga nasa likod ng cartel noong nakaraang pagdinig sa senado.

Nagtataka ang senadora bakit hindi pa rin nahinto ang cartel sa bawang
samantalang iba na ang administrasyon ngayon, iba na ang kalihim ng DA, DTI at maging ang director ng Bureau of Plant and Industry (BPI).

Read more...