BuCor, kumita ng 142-M sa Tadeco deal

 

Umakyat sa kabuuang P142.72M ang kabuuang kinita ng Bureau of Corrections sa pinasok nitong Joint Venture Agreement sa Tagum Agricultural Development Co. Inc o Tadeco.

Sa ginawang pagdinig ng House of Committee on Good Government and Public Accountability at House Justice Committee lumabas na ang nasabing kita ay katumbas ng 45% share nito sa JVA ng wala namang ginasta kahit magkano ang BuCor.

Sinabi ni Tadeco president and CEO Alex Valoria sa komite na nagsasagawa ng imbestigasyon sa BuCor Tadeco JVA na mayroong fixed ammount na kita ang BuCor sa ilalim ng kasunduan bukod pa dito ang bahagi ng kita mula sa pinagbentahan abroad ng mga saging.

Sinabi ni Viloria na ang mga nasabing kita anya ng pamahalaan ay tinataasahan ng sampung porsyento kada limang taon.

Bukod dito, tumatanggap din anya ng benepisyo ang BuCor para sa farm training program at suporta sa mga inmates ng Davao Prison and Penal Farm na bahagi ng rehabilitation project sa ilalim ng Joint Venture Agreement.

Maging ang mga lokal na pamahalaan anya at iba pang organisasyon sa Davao del Norte kung nasaaan ang Tadeco ay nakikinabang sa Joint Venture Agreement.

Sa ilalim ng JVA ang BuCor ang magbibigay ng lupa at manggagawa habang ang Tadeco naman ang dedevelop sa lupain ng Davao Prison and Penal Farm upang gawing banana plantation.

Read more...