Ayon kay Senador Villar, inamin ito ng mga security officials sa isinagawang briefing hinggil sa martial law sa Mindanao.
Ipinatawag ng senado ang mga opisyal ng Defense department, AFP at National Security Adviser para sa isang briefing ukol sa martial law.
Ayon pa kay Villar, napilitan na ring magdeklara ng martial law ang administrasyon dahil sa umanoy maraming mga symphatizers ng teroristang grupong Maute.
Bukod umano sa mga civilian, mga foreign nationals, maaring may mga lokal na opisyal din ang sumusuporta sa Maute terror group.
Naniniwala ang senadora na imposibleng hindi agad malaman ng mga barangay officials na may mga ibang tao sa kanilang lugar kaya’t nakapagtataka aniyang na hindi ito napigilan sa nasabing level pa lamang.