Ipinaliwanag ni Manila International Airport Autority General Manager Ed Monreal na isinara ang nasabing runway ala-una ng tanghali kanina.
Kinakailangan umano nila itong gawin para na rin sa kaligtasan ng mga pasahero ng mga international airlines.
Umabot sa kabuuang 34 na international flights ang naapektuhan ng runway repair kung saan karamihan sa mga ito ay na-divert sa Clark International Airport sa Pampanga.
Humingi ng pang-unawa sa publiko si Monreal kasabay ng pagsasabing hindi dapat makompromiso ang kaligtasan ng publiko.
Para sa mga may tanong kaugnay sa mga delayed na international flights, pinapayuhan ng MIAA ang publiko na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan sa telepono bilang 877-11109 o sa kanilang hotline number na 877-8888 loc 8144.