Pagawaan ng shabu sinalakay sa Quezon City

Inquirer photo

Kahon-kahon na mga sangkap at gamit sa paggawa ng shabu ang nakumpiska sa isang warehouse na ginawang drug laboratory sa Caroline street kanto ng Quirino highway Brgy. Baesa sa Quezon City kaninang umaga.

Ang warehouse na pag-aari umano ng Hong Kong national na si Kwok Kuen Yu ay sinalakay ng pinagsamang elemento ng Quezon City Police District (QCPD) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)

Sa pangunguna ni Inteligence and Investigation Chief Jill Salamangca.

Sinalakay ang shabu lab sa bisa ng search warrant na inisyu ni QCRTC Executive Judge Ceciline Villavert.

Nakumpiska sa nasabing shabu lab ang hindi bababa sa siyam na kahon ng pseudo-ephedrine tablets na galing sa Pakistan, laboratory tube, vacuum repacker, rotary evaporator, at iba pang sangkap sa paggawa ng droga.

Hindi na inabutan ng mga ahente ng PDEA at QCPD ang target na Hong Kong national na noon pang 2013 sinusubaybayan ng mga anti-drug agencies.

Read more...