Martial law sa Mindanao muling binatikos ng oposisyon sa Senado

Inamin ngayon ng ilang mga senador sa minorya na mas lalo silang nakumbinsi na hindi kailangan ang deklarasyon ng martial law sa Mindanao matapos na maisalalim sa briefing ng mga security managers kahapon

Ayon kay Sen. Antonio Trillanes, inamin umano sa kanila nang matataas na opisyal ng Department of National Defense sa pangunguna ni Sec. Delfin Lorenzana na kaya umanong tapusin ng AFP ang problema sa Marawi City sa ginawang pag-atake ng Maute ng hindi isinasailalim sa batas militar ang buong Mindanao.

Iginiit din ng senador na hindi solusyon ang pagdeklara ng batas militar sa problemang kinakaharap nang bansa.

Nauna dito ay labinglimang mga senador ang pumirma sa isang manipesto na nagbibigay ng suporta sa idineklarang martial law ng pangulo para sa buong Mindanao.

Read more...