Ikinabahala ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat ang pagiging diktador ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos nitong masimulan ang martial law sa Mindanao.
Sinabi ni Baguilat na indikasyon pa lamang ang pahayag ng pangulo na handa nitong balewalain ang Kongreso at Supreme Court sa isyu ng batas militar.
Dahil anya sa ipinapakitang indikasyon ng pagiging diktador, nakiusap ang mambabatas sa liderato ng dalawang kapulungan ng Kongreso na mag-convene para sa isang joint session.
Dapat ayon kay Baguilat na manindigan ang mga mambabatas sa kanilang mandato sa ilalim ng Saligang Batas para masunod ang check and balance sa pamahalaan laban sa pang-aabuso ng isang co-equal branch nito.
MOST READ
LATEST STORIES