Ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, ang ginawang pag-withdraw sa ika-limang round ng usapan ay hindi nangangahulugan na pormal na pag-atras sa peace process na sinimulan noon pang August 2016.
Nabatid na nagkasundo ang dalawang panig na magpulong sa darating na Lunes para matalakay ang pagpapatuloy ng negosasyon.
Sinabi naman ni Elisabeth Slattum, special envoy sa Norway, na hindi kanselado ang peace talks at nananatiling ‘intact’ ang peace process.
Dahil sa utos ng Communist Party of the Philippines sa kanilang mga tauhan na atakihin ang tropa ng gobyerno, inanunsiyo ni Dureza ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hindi pagdalo ng pamahalaan sa latest na round ng peace talks.