WATCH: Bagong istilo ng mga pusher, shabu isiniksik sa chewing gum sa Quezon City

Nabisto ng mga operatiba ng Quezon City Police District Station 7 ang raket ng isang hinihinalang tulak ng bawal na gamot na si Jam Benasing na naaresto nila sa isang tindahan ng piniratang DVD sa Mega Q-Mart, Anapolis corner Ermin Garcia.

Ang shabu kasi na aminado ang suspek na kanyang tinitinda ay nakasiksik sa loob ng chewing gum.

Ang candy na tinitinda ng suspek na naglalaman ng shabu ay nagkakahalaga ng limangdaang piso.

Nakabili ang mga operatiba kaya nagpositibo ang buy bust operation ng District Drug Enforcement Unit.

Ayon kay QCPD Station 7 Commander Supt. Louise Benjie Tremor, mga driver at trabahador ng palengke ang parokyano ng suspek sa pagbebenta ng shabu na isinilid sa loob ng chewing gum.

Read more...