7 arestado sa magkahiwalay na buy-bust operations sa Malate, Maynila

Kuha ni Cyrille Cupino

Pito ang arestado sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Malate, Maynila.

Ikinasa ang unang buy-bust sa bahay ng target ng operasyon sa San Marcelino Street.

Arestado ang pangunahing ‘target’ ng operasyon na si Ramonsito Garcia at Benjie Catalo, gayundin ang live-in partner ng mga ito na sina Marie Catalo at Gemmanlyn Grafil.

Nakuha sa mga suspect ang 11 bulto ng hinihinalang shabu na aabot sa 50 gramo ang timbang at aabot sa 80 thousand pesos ang street value.

Isang caliber .45 rin na baril at mga bala ang nakuha sa suspect na si Benjie Catalo.

Samantala, arestado rin ang tatlo katao sa pangalawang buy-bust operation sa A. Mabini St.

Kinilala ang mga suspect na sina Ramon Dumdum, Ramon Gruta, at Jose Camacho.

Nakuha sa kamay ng mga suspect ang anim na sachet ng hinihinalang shabu na may street value na 40 thousand pesos.

Ilan sa mga nahuling suspect ay nasa drug watchlist rin ng Malate Police Station.

Nahaharap ang mga suspect sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...