Tax reform bill, “certified urgent” na ng Pangulo

Sinertipikahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang “urgent” ang unang tax reform bill na naglalayong babaan ang personal income tax rates, ngunit magdadagdag naman sa singil sa iba pang tax.

Ayon kay Finance Assistant Sec. Paola Alvarez, Inilabas ang sertipikasyong ito kahapon ng umaga at agad na ipinadala sa Kamara.

Bukas, araw ng Miyerkules, inaasahang ipapasa sa ikatlong pagbasa ang House Bill 5636 sa plenaryo.

Ang HB 5636 ay ang substitute bill na may mga “moderate modifications” na naglalaman ng orihinal na panukala ng Department of Finance (DOF) sa ilalim ng House Bill 4774 at 54 iba pa.

Layon nitong ayusin ang “income bracket creeping,”” bawasan ang maximum personal income tax ng hanggang sa 25 percent, habang tataasan naman ang sa mga “ultra-rich” ng hanggang 35 percent.

Palalawigin din nito ang value-added tax sa pamamagitan ng pagbabawas sa mga exemptions, karagdagang excise tax sa mga produktong petrolyo, sasakyan at mga inuming may asukal.

Target ng DOF na maaprubahan ng Kamara ang tax reform package bago ang sine die break nila sa June 2 na sa July 24 pa magbabalik.

Oras na makalusot ito sa Kamara, iaakyat na ito sa Senado upang doon naman talakayin.

Read more...