Ito’y sa gitna ng gulong nangyayari sa Marawi City at dahil na rin sa deklarasyon ng martial law sa Mindanao.
Inilatag na ni PNP-Avsegroup director Chief Supt. Sheldon Jacaban ang isang nationwide security plan na magpapaigting sa pagpapatrulya sa mga paliparan at checkpoints sa lahat ng pasukan at labasan ng mga terminals.
Nakasaad sa naturang security plan, na ang mga road safety marshals ay itatalaga sa airport terminals, at na magsasagawa ng random paneling ang mga special operations unit pati na ang K-9 teams sa waiting area ng mga pasahero, paradahan at cargo areas.
Magtatalaga rin ng mga pulis sa mga help desks sa mga paliparan upang makatulong sa mga biyahero.
Samantala, isinailalim na ni Jacaban sa full alert status ang lahat ng mga paliparan sa Mindanao.
Hihigpitan na rin ng Bureau of Immigration ang kanilang monitoring at profiling ng mga pasaherong dumadaan sa mga ports of entry sa bansa.
Ito’y upang matukoy kung may mga pasaherong magdadala ng banta sa seguridad ng bansa.