Ayon kay AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, nagsagawa ng imbestigasyon ang militar tungkol sa posibilidad ng pagkakaroon ng mga dayuhang sumusuporta sa Maute Group.
Kasunod ito ng pagkakaaresto ng Kuwaiti at mga Syrian nationals na sinasabing may kaugnayan umano sa Islamic State group.
Lumabas sa imbestigasyon na may ilang mga money transfers silang nadiskubre para sa Maute Group, ngunit hindi na niya maaring ibunyag ang iba pang detalye.
Hindi rin niya aniya alam kung magkano ang mga ito at kung gaano na ito katagal nangyayari.
Samantala, mariin din niyang itinanggi na nakaabot na sa Metro Manila ang Maute Group, pati na ang mga ulat na isa umanong improvised explosive device ang natagpuan sa isang mall.
Nilinaw rin niya na matagal naman na talagang hinigpitan ang seguridad sa mga paliparan at pantalan bago pa man sumiklab ang gulo sa Marawi City.