Isnilon Hapilon, posibleng nasa Marawi pa rin

Naniniwala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na nasa Marawi City pa ang pinuno ng Abu Sayyaf at Maute Group na si Isnilon Hapilon.

Ayon kay AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, ito marahil ang dahilan kung bakit malakas ang depensa ng Maute Group sa ilang bahagi ng Marawi City.

Matatandaang si Hapilon umano ang itinalaga ng Islamic State group bilang kanilang “emir” dito sa bansa, upang makapagtayo ng isang probinsya ng ISIS sa Lanao del Sur.

Aniya, sa ngayon ay ito lang ang impormasyong kaniyang maaring ibahagi sa publiko, kasabay ng pagtitiyak na gagawin nila ang lahat upang mahuli si Hapilon.

Read more...