Shabu, itinatago ng umano’y pusher sa balot ng bubblegum

Kuha ni Jong Manlapaz

Nabisto ng mga operatiba ng Quezon City Police District-Station 7 ang raket ng isang hinihinalang tulak ng iligal na droga na naaresto nila sa Q-mart, Anapolis cor Ermin Garcia.

Sa unang tingin simpleng bubblegum lamang ang tinitinda ng suspek na nakilalang si alyas Noel, pero nang buksan ito, tumambad sa kanila na shabu pala ang laman nito.

Nagkakahalaga ng P500 ang mga kendi na itinitinda ng suspek na naglalaman ng shabu.

Nag-positibo naman ang buy-bust operation na isinagawa ng District Drug Enforcement Unit kung saan naaresto ang suspek.

Sa paunang imbentaryo ng mga pulis, aabot sa 14 na sachet ng bubblegum na naglalaman ng shabu ang kanilang nakuha mula sa suspek.

Read more...